Monday 17 August 2015

Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng Panitikang Filipino?

"Ang paglisan sa tahanang
sinilangan at nilakihan ay higit pa
 kaysa kung mawala ang kalahati ng
 sariling pagkatao"
- Jose Rizal
Ito ba'y bahagi ng ating buhay?
O, ito'y wala lang.
Hindi natin ito dapat balewalain,

Sapagkat ito'y parte ng ating kasaysayan,
Ang kasaysayan na walang katapusan.


At sa paglipas ng panahon,
Kay rami nang nabago,
Kay rami nang lumipas,
Kay rami ding nanatili.
Sa puso ng bawat isa sa atin.


Kaya't habang nandiyan pa
Huwag ito balewalain
Ito'y pahalagahan
Sapagkat ito'y parte ng ating buhay.


At walang sino man
Ang makakakuha sa atin nito.
Tanging Diyos lamang,
Siya, na naggawa ng lahat 

Ngunit kung tayo'y magsisikap
Maitutuloy natin ang nasimulan.
Ang mga tinatak sa ating historya,
Ng ating mga magigiting na bayani
Na nagbuwis ng buhay.

Upang makamit ating inaasam.
Upang magawa ang mga bagay,
Ng malaya, ng walang humuhusga
At walang pumipigil,
Sa ating mga mithiin.

Kaya't pahalagahan, 
Habang ito'y nandiyan pa.